Saturday, November 14, 2009

sabado, kaarawan ng isang kaibigan

November 9, 2009 : nakalimutang pumunta o batiin man lang ang kaarawan ng aking kaibigan, dating kaklase o mas kilala sa tawagang wisheart. ahaha, (angel's the real name) ngayong sabado eksaktong alas-kwatro ng hapon gaganapin ang kanyang kaarawan isasabay sa kaniyang pamangkin dahil narin sa usaping pinansyal, pagiging praktikal lang. :D
naimbitahan kaming mga dati niyang kaklase o tropa...

spaghetti, menudo, igado, dinuguan, puto, kanin, pepsi, gran matador at pineapple juice. (sila lang uminom ng alak, dia ko kasali...ü)

masayang gabi ang nangyari, nagkantahan, kamustahan at alam niyo na.
HAHAHAHA..XD

nagregalo ako ng isang makintab na belt na kulay rosas galing sa makati. (kailangan pa bang sabihin ito?)

16 na daw xa..(sa pangalawang pagkakataon) 17 ka na diba?

malalim na ang gabi, at hindi na ako umuwi sa aming bahay sa cavite, kaya dito ako makikitulog sa bahay ng aking tropa, nagpaalam naman ako kaya walang problema. bukas nang umaga ako uuwi, dahil marami pang kailangang gawin...

madaling araw sa lahat. ü

Wednesday, November 11, 2009

enrolment nanaman

October 23-Nov 15 ang sembreak, medyo mahaba
at tiyak na madameng magagawa.
kaso may mga araw ding boring at
nag plano nalang na mag movie marathon
magisa sa bahay.
tinatamad ako ngayon magsulat sa blog na ito
o literally mag-type.
o basta dadating din ang panahon na akoy sisipagin. ROFL